"ANG KRISTO: PASYON-DULA" (Passion Play)
“ANG KRISTO: PASYON-DULA”
Panulat at Direksiyon: ELI J. OBLIGACION
Handog ng PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG MARINDUQUE
sa pakikipagtulungan ng
TEATRO BALANGAW
at SENTRONG PANGKULTURA NG PILIPINAS (CCP)
Miyerkules, Marso 31, 2010 (Buenavista Coastal Park)
Huwebes Santo, Abril 1, 2010, 7:30 pm (Moriones Arena, Boac)
BUHAY ANG KULTURA at sumasalamin sa mga tradisyon at pinagkakakilanlan sa isang pamayanan. Simbulo ito ng ugnayan ng nakalipas at ng kasalukuyang panahon.
Mula sa sinaunang moriones street pageant noong dekada ’60 na nagtatapos sa masayang selebrasyon ng Linggo ng Pagkabuhay sa pamamagitan ng “Pugutan”, at mga pagbabagong naisagawa dito sa pamamagitan ng pagsasa-entablado nito sa gabi ng Black Saturday noong huling taon ng dekada’70 sa istilo ng Sinakulo, hanggang sa pagsasadula sa mga nakaraang taon ng Buhay ng Dakilang Panginoon sa istilo ng modernong pang-entabladong teatro sa pamamagitan ng “ANG KRISTO: PASYONDULA”, makikita at mararamdaman ang pagiging buhay ng kulturang Marinduqueno, kulturang hindi makakaalpas at hindi mapipigilan sa patuloy na pagdaloy at pangangailangan ng kasalukuyang panahon.
“ANG KRISTO” ay tungkol sa pinakadakilang dulang nangyari at naisulat sa balat ng lupa, “the greatest story ever told”, ang sabi nga. Magsisimula ang kuwento mula sa Pagbabautismo ni Juan Bautista sa Panginoong Hesukristo at magtatapos sa Pagkabuhay na Muli, ang tunay at dakilang mensahe ng pinaghandaang Semana Santa.
Mithiin ng Pasyondulang ito na maging makabuluhang karagdagan sa pagdiriwang ng SEMANA SANTA SA MARINDUQUE, isang simulain na binibigyang halaga, kasama na ang pagrespeto sa mga tunay na sinaunang mga tradisyon sa lalawigan, ng Pamahalaang Panlalawigan ng Marinduque sa pangunguna ng Kgg. Punong-Lalawigan Jose Antonio N. Carrion at sa tulong ng Sangguniang Panlalawigan ng Marinduque sa ilalim ng pamamahala ng Kgg. Bise-Gobernador Tomas N. Pizarro.
TEATRO BALANGAW featured in “COMMUNITY THEATER: GLOBAL PERSPECTIVES”
Community theater is an important device for communities to collectively share stories, participate in dialogue and to break down the increasing exclusion of marginalized group of citizens. It is practiced all over the world by growing numbers of people.
Eugene Van Erven, one of the world’s foremost experts on Asian political theater, has put together the first comparative study of the work and methodological traditions which have developed in community theaters around the world. It’s an incredibly wide ranging study based on Van Erven’s own experiences working with community theater groups in six very different countries (Philippines, Netherlands, U.S.A., Costa Rica, Kenya & Australia).
“Community Theater: Global Perspectives” provides a sociological impression of the relevant county, a brief history of the community theater there, a guide to the country’s overall arts scene, background of the featured artist, a case study of a specific community theater project. It is an invaluable resource for artist/cultural workers studying or working in the field of community theater.
Chapter I of the book deals with “Philippine Community Theater in the 90’s: A Case Study on Teatro Balangaw of Marinduque”
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment